Luwag sa mga tiwali

KAILANGAN bang bigyan ng babala ang mga tiwaling tao sa pamahalaan upang maiwasan ng mga ito ang kaparusahang dapat na ipataw sa kanila?

Tila mali naman ang ginawang panawagan ni Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson sa mga tiwaling opisyal at empleyado ng kanyang tanggapan na magbitiw na lang sa puwesto sa halip na masampahan pa ng kaso sa Ombudsman.

Kung tukoy na nila ang mga korap sa kanyang sangay, dapat ay sampahan na ng kaukulang kaso ang mga ito. Kailangan bang bigyan nila ng luwag ang mga ito at matapos pagnakawan ang gobyerno ay hahayaan na lang nilang makalusot sa asunto?

Ayon nga kay kaibigang Boy Bakal, baka naman namimingwit lang ang pamahalaan? Kapag wala na sa puwesto ay ituturo na may kagagawan ng kalokohan pero sila naman ang may kasalanan.

Baka naman magiging kawawa ang papalit sa puwesto ng mga ito na silang sasalo sa katarantaduhan at pagnanakaw na ginawa sa pamahalaan.

Aba’y maghunos-dili sila! Baka naman panay kaalyado ang gumagawa ng anomalya kaya binibigyang luwag? O hindi nila madiretso dahil nga may kinakapitang pader sa Palasyo?

Ang pader niya kaya ay kasama sa apat (4) na K?

Kapag ganyan nang ganyan ang gagawin ng pamahalaan, marami sa mga nakapangurakot na ng milyones ang posibleng magbitiw na. Siyempre, nanagana na sila.

Pero iyong mga hindi pa nakuntento sa kanilang puwesto na ginagamit sa pagkakaroon ng malaking halaga ng nakaw na pera, tiyak na hindi pa magbibitiw at tuloy ang gapang sa kanilang kaligtasan.

Sana, maging sa Bureau of Customs ay maayos na ang palakad ng gobyerno. Ito ang nangunguna sa dami ng mga tiwaling opisyal at empleyado. Kahit nga hindi empleyado sa nasabing tanggapan ay nakikisawsaw na sa transaksyon upang magkamal ng malaking halaga.

Nagagamit lang ang ilang empleyado sa kalokohan ng ilang sibilyan dahil na rin sa perang kanilang ipinamumudmod mula sa guwardiya hanggang sa mga opisyal.

Sa pulis naman, marami ang nagpasa ng kanilang early retirement. Umiiwas kaya sila sa kulong o kaso na tulad nang ipinananakot ng DPWH? Ayaw nilang makasuhan ng katiwalian?

Pero naniniwala ako na wala itong kinalaman sa kaso ng katiwalian. Malamang, nananawa na sila sa trabaho nila sa pamahalaan.

Sa PNP kasi, yumayaman ang mga nasa puwesto kahit hindi nagtatrabaho. Umaasa lang sila sa mga parating lalo na ang galing sa jueteng, club, gun smuggling, illegal logging, mining, drug trafficking at iba pang iligal na gawain.

Kailan kaya matitigil ito? Siguro kapag puro komunista na ang nakaupo sa gobyerno.

Congratulations to DENISE HYACINTH JOY B. MUSNI na nagtapos bilang salutatorian sa St. Mary’s Academy of Sta. Ana sa Maynila.

Pagbati mula kina Dave Musni and Christoff Balubar. Siyempre kasama ang Mommy Beth Musni at Tita Lea B.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply