Mabagal na presentasyon ng depensa pinuna

MATAPOS ang paghaharap ng 11 testigo, nagpahayag na ng pagkainip ang prosecution panel sa presentasyon ng defense team ni Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo na matapos makapagprisinta ng 11 testigo ay hindi pa rin direktang nasasagot ng depensa ang mabibigat na akusasyon laban sa punong mahistrado.

Ani Quimbo matagal nang hinihintay ng publiko ang paliwanag kung bakit sa 2010 SALN lamang ni Corona deklarado ang mga condo units kahit matagal nang nabili ang mga ito.

Inihalimbawa ng mambabatas ang natestiguhan kahapon na condo sa The Columns sa Ayala Avenue, Makati City na nakuha na ng mga Corona ang titulo noon pang 2004 pero hindi deklarado sa SALN hanggang 2009.

Hindi pa rin umano nasasagot kung bakit hindi deklarado sa mga SALN ni Corona ang deposito nito sa bangko kasama na ang dollar accounts.

Iginiit naman ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na halatang dinidribol ng mga abogado ni Corona ang isyu.

Nangangamba rin ang prosekusyon na dahil sa kabagalan ay mawalan ng interes ang publiko sa impeachment trial dahil sa isang buwang pahinga ngayong Holy Week, umpisa sa Marso 24 hanggang sa Mayo.

Magpapatuloy ang impeachment trial sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply