Made na si Bela Padilla!

MASAYA si Bela Padilla dahil humupa na ang kontrobersiyang kinasasangkutan niya kaugnay ng naunang lumabas na cover photo niya for FHM na may mga black models sa background niya at may cover story titled na Bela Padilla: Stepping Out Of The Shadows. Marami ang nag-react negatively dito at sinabing may pagka-racist daw ang dating nito.

Lately, pinalitan ito pati title ng cover story at ginawang Bela Padilla: I Want To Emerge With My Own Name.

Tanong tuloy namin kay Bela nang makakuwentuhan namin sa Party Pilipinas last Sunday, hindi pa ba niya nararamdaman sa ngayon na she has already emerged with her own name?

“Now I feel like… I do,” nangiting sagot ng young actress, “because of this, I feel that I made a mark that people won’t forget for a while… which I’m happy about.”

Talbog niya ang lahat ng naging cover girl ng FHM dahil siya talaga ang naging pinakakontrobersiyal lalo’t pinag-usapan world-wide. Hindi na mabubura ang markang ginawa niyang ‘yon.

“Thank you! Thank you sa mga naka-appreciate no’ng ginawa namin na work. And to those who didn’t… I hope you see the beauty of what we did.

“You know… I’m not gonna force anything naman. So kung ano lang ‘yong gusto nila, so be it!”

What made her say nga pala that she wanted to emerge with her own name?

“We know kasi that I come from a family of big actors (gaya ni Robin Padilla at iba pang mga artistang kaanak nila). Uhm… marami, e.  Maraming reasons.”

“Like may sinasabi rin na kamukha raw ako ni ganito, or nagka-issue ako kay ganito o ganyan, or naging partner ni ganto sa isang palabas… ganyan.

“So… I want people to see me na… gusto ko kapag nakita nila ako… Bela na. ’Yong may recall ako as Bela na.”

Sa mga detractors naman niya na patuloy pa rin ang pagbatikos sa kanya, ano naman ang mensaheng nais niyang ipaabot?

“Well… thank you so much din sa inyo,” napabungisngis niyang sabi. “Hindi siguro ako magiging ganito ka-strong para lahat harapin ko. Nakatutulong sila (mga detractors niya) sa akin. Sa totoo lang!”

‘Yonmg family naman niya, ano naman ang naging reaksiyon sa lahat ng nangyari kaugnay ng kinasangkutan niyang controversy?

“Uhm… from what I’ve heard when I talk to my parents and ‘yong iba pa sa family namin… they’re all very proud of the work I’ve done and they were very pleased with my interviews. They said that they understand where it’s coming from.

“And that’s all that matters to me… that my family knows what I’m going through.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply