Mag-aama nagtagaan sa Ilocos Norte

ISANG mag-aama ang pawang nasa kritikal na kalagayan sa Gov Roque Ablan Sr Memorial Hospital matapos magtagaan sa Sta. Monica, San Nicolas, Ilocs Norte.

Nabatid na unang nagkainitan sina Albino Dumlao at kanyang anak na si Benedicto Dumlao, pawang ng naturang barangay nang komprontahin ang anak ng kanyang ama habang kapwa ay nasa impluwensiya ng alak.

Habang nag-aaway ang dalawa ay nabatid na kumuha ang anak ng itak saka tinaga ang kanyang tatay na inawat naman ng isa pang anak na si Dominador Dumlao.

Dahil sa pag-awat ni Dominador ay siya naman ang pinagbalingan ng poot ng kanyang kapatid at tinaga ikinasugat ng kanyang likod.

Nang makita ng noon ay sugatan nang si Albino ang duguang anak na si Dominador ay kumuha rin ito ng itak at tinaga si Benedicto.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply