Mag-ama kritikal sa tarak ng 5 bagets

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang mag-ama makaraang tarakan ng limang bagets sa Pasay City, kaninang madaling araw.

Patuloy na nilalapatan ng lunas bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa San Juan de Dios Hospital ang mag-amang sina Fernando Mallari, 38-anyos at ang anak nito na si Nino Mallari, 17-anyos, kapwa residente ng 22 B.Tramo St. ng naturang lungsod.

Agad tumakas ang limang hindi nakilalang salarin matapos duguang bumulagta ang mga biktima.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO2 Roy Ramos at PO3 Melvin Garcia ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, dakong alas-4:10 kaninang madaling araw nang maganap ang pananaksak sa Inocencio St., ng naturang lugar.

Nauna rito nakita ng ama na naglalakad ang kanyang anak sa Inocencio St. nang mapansin nito ang limang suspek na pawang mga bata na aatakehin ng saksak ang kanyang anak.

Agad na tinawag nito ang anak upang umuwi nang biglang nang atakehin ng mga suspek ang anak kaya niyapos nito ang anak para iligtas sa panganib.

Bunga nito, pinagbalingan ng mga suspek ang ama na pinagsasaksak at isinunod ang anak na kapwa bumulgtang duguan na kapwa naisugod na pagamutan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply