Mag-asawa niratrat sa harap ng mga anak

UTAS agad ang isang mag-asawa matapos ratratin ng dalawang salarin na sakay ng motorsiklo sa mismong harapan ng kanilang mga anak sa Dagupan, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jose at Herminia Tan, ng Brgy. La Paz, Villasis, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima sakay ng tricycle kasama ang dalawang maliliit na mga anak nang mangyari ang krimen.

Nabatid na habang nasa lugar na walang ibang tao ay inabangan ang mga biktima ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo at agad silang niratrat saka tinangay ang dala nilang P9,000 cash.

Iniimbestigahan na ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply