Mag-asawang Aeta nilikida sa harap ng mga anak

PARANG baboy lamang na binaril ng hindi nakilalang suspek ang mag live-in partner na Aeta sa harap mismo ng kanilang mga anak sa Naga City, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Nabatid sa report, kahapon (Marso 25) ng madaling araw, isang lalaki ang nagtungo sa bahay ng mga biktima at nagkunwaring magpapagamot sa mag-asawang sina sina Junie Albero at Marjelly na nainirahan sa Sitio Buyo, Barangay South Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig ang ilang putok at bumulagta sa harap mismo ng kanilang mga anak ang dalawang biktima.

Kaugany nito, kinailangang isailalim sa debriefing ang apat na anak ng mag-live-in na nakasaksi sa malagim na kamatayan ng kanilang mga magulang.

Ayon sa tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development-7 na si Jaybee Binghay, isang Crisis Intervention Unit ang ipapadala sa Naga City ngayon para magsagawa ng assessment sa apat na anak ng mga biktima na sinasabing gumagawa at nagbebenta ng mga herbal na gamot sa kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply