Mag-ina tusta sa sunog sa Cebu

NASAWI ang mag-ina makaraang masunog ang kanilang tahanan sa Lapu-lapu, Cebu City kaninang umaga, Marso 12.

Nakilala ang mga biktima na sina Villa Veloso, 76, dating assistant chief ng Cebu City Medical Center (CCMC), at ang special child na anak nito, pawang taga Daisy St., Camella Homes, Brgy Pajo, naturang lungsod.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang alas-6:32 ng umaga kung saan isang electric fan na hindi na-unplug ang tinuturong dahilan.

Ayon sa ulat, unang napansin ni Gng. Veloso ang apoy na nagmula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ngunit dahil sa bilis ng pagkalat nito hindi na nila nakayanang apulahin pa ang apoy.

Sinubukan pa sana ng nasabing ginang na i-rescue ang kanyang anak, ngunit hindi na nito nakayanang makalabas sa kanilang bahay.

Wala namang nadamay pa na ibang bahay makaraang makontrol ng mga bombero ang apoy makalipas ang limang minuto.

Tinatayang P250,000 ang iniwang pinsala ng naturang sunog.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply