Mag-ingat sa heat stroke — Malakanyang

PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat sa heat at sun stroke.

Maging ang miyembro ng media na nagko-cover ng balita ay pinayuhan din ng Palasyo.

Ani deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, napaka-init ng summer na nararansan ngayon sa banas.

“Patuloy ang pagtagaktak ng ating pawis dahil talagang napakainit na po ng ating summer. So, again, please sa mga nakikinig po sa atin lalo po sa inyo sa mga kasamahan po natin sa media ‘pag nagko-cover ho kayo. Magdala po tayo ng, ano, let’s take the necessary precautions para hindi naman po tayo ma-heat stroke at ma-sun stroke,” ang pahayag ng opisyal.

Kung maaari din aniya sana ay uminom ng maraming tubig at huwag pabayaang matuyuan ng pawis ang likod.

Nauna rito ay nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pagtaas ng kaso ng heat stroke, dengue at iba pang vector-borne diseases o mga sakit na naililipat ng mga micro-organism tulad ng lamok sa ibang lugar.

Ang ganitong mga uri ng sakit ay madalas manalasa sa panahon ng tag-init na maaring tumagal hanggang Mayo.

Posible ring umabot sa 40 degrees ang temperatura, ayon sa PAGASA.

Payo naman ng PAGASA sa publiko na tiyaking well-ventilated ang area o kung nasaan man at magsuot ng mga komportableng damit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply