Mag-ingat sa heat stroke

‘WAG muna tayong magdiskusyon tungkol sa adbokasiya o pulitika o isyung pang-organisasyon.

Pag-usapan muna natin ang isang bagay na kasing halaga, kung hindi man mas mahalaga ang kalusugan natin.

Ang tanging taya ng mga manggagawang transportasyon ay ang kanilang lakas-paggawa. Kung hindi lalabas upang mamasada, walang kita. Ganun kasimple ‘yun.

Kaya’t dapat tiyaking hindi magkakasakit, lalo na ang mga kaugnay sa kainitan ng panahon.

Tag-araw na kasi (obvious ba?). Ang mga drayber at konduktor ang isa sa mga pinaka-exposed sa init ng araw at kapaligiran. Ang delikadong mangyayari sa manggagawang trans-portasyon ay ang “heat stroke.“

Katunayan ay nagbabala na ang Department of Health tungkol sa pag-iingat na ma-heat stroke at iba pang kaugnay na sakit.

Nangyayari ang heat stroke kung ang temperature ng katawan ay lumagpas na sa 40.6 °C o 105.1 °F. Kabilang sa mga sintomas nito ay pagtutuyo ng balat, mabilis ngunit mahinang pulso at pagkahilo.

Ang mga ito ang dapat parating abatan.

Kapag ang isang tao ay nagpakita ng isa or higit pang sintomas na kabilang sa nabanggit sa itaas, magandang ideya kung itatakbo agad siya sa pinakamalapit na ospital.

Kung sakaling hindi agad madala sa pagamutan, agad lapatan ng first aid ang na-heat stroke. Dalhin siya sa isang malilim na lugar, pahigain habang ang paa ay medyo nakataas, alisin o luwagan ang damit nito at maglagay ng yelo sa kili-kili at sakong.

Ang payo ng DOH ay limitahan ang paglalabas. Mahirap ito para sa isang drayber ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng traysikel, pedicab, dyipni at bus na walang aircon.  Ang hindi paglabas ay nangangahulugan ng pagkagutom ng pamilya.

Susugal at susugal ang mga drayber kesa walang mailagay na pagkain sa hapag-kainan ng mga mahal sa buhay.

Kung kailangan talagang lumabas, ang dapat gawin ay uminom nang uminom ng tubig at umiwas munang magkape, mag-softdrinks at alak.

Mainam din kung magsusuot ng malapad na sumbrero at mahabang manggas upang maprotektahan ang braso at bisig habang namamasada.

Walang kapalit ang buhay at kalusugan, mga kasama. Dapat ay laging masigla at walang sakit upang mapaglingkuran natin ang ating pamilya, sektor, pamayanan at organisasyon.

Kaya ingat, mga kasama!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply