Parusa sa mga sangkot sa Al-Barka ambush magaan– DND

DISMAYADO ang pamunuan ng Department of National Defense (DND) sa magaan na parusa na iginawad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga tauhan nito na nasangkot sa ambush incident sa Al-Barka, Basilan noong Oktubre 19, 2011.

Para kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, ay magaan lamang ang parusang suspensyon na iginawad ng MILF sa tatlong nitong mga ground commanders na nasanggkot sa nasabing engkuwentro.

Ayon sa kalihim, mas naging mabigat pa ang parusang ginawa sa mga sundalong pinanagot sa engkuwentro na pinatanggal sa puwesto at mahaharap pa sa court martial ng DND.

Pero maigi na rin at kumilos ang MILF lalo na at hindi biro ang may 19 na sundalo ang binawian ng buhay sa bakbakan.

Mababatid na suspendido ng tatlong buwan ang ground commanders ng MILF at sasailalim ang mga ito sa pag-aaral ukol sa tamang disiplina.

Kabilang ang isa sa kilalang personalidad ng MILF na si Dan Laksaw Asnawi, deputy commander ng 114th base command.

Naniniwala din si Gazmin na makakamit pa rin ng 19 na sundalo ang hustisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply