Magaan na parusa sa defense counsel ayos lang

AYOS lang sa Malakanyang kung magaan na kaparusahan lamang ang ipinataw ng impeachment court kay defense counsel Atty. Judd Roy.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, iginagalang nila ang nasabing desisyon ng impeachment court dahil sila ang may hurisdiksyon sa kaso.

Matatandaan na-contempt ang abogado kaugnay ng expose na nag-alok ang Malacañang ng P100 million sa bawat senador para kontrahin ang temporary restraining (TRO) ng Korte Suprema sa dollar accounts ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Umaasa silang magiging focus na lamang ng mga senador ang takbo ng impeachment trial.

Binigyang diin ni Usec. Valte na walang katotohanan ang paratang ng depensa.

Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile, reprimand o papagalitan lamang nila si Atty. Roy kung saan mas mataas aniya ito sa admonition na ipinataw ng hukuman kay Atty. Aguirre na umeksena sa paglilitis nang takpan ang dalawang tainga habang nagsasalita si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply