Magic nanghina sa depensa ng Bulls

BAWAS sa opensa ang Chicago Bulls dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalaro ang kanilang star player na si Derrick Rose.

Kaya naman hinigpitan nila ang kanilang depensa upang suwagin ang Orlando Magic, 85-59 kaninang umaga sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Si Carlos Boozer ang nagmaniobra sa opensa ng Bulls matapos itong tumikada ng 24 puntos, 13 rebounds, apat na steals at dalawang assists upang ilista ang 38-10 win-loss slate at manatiling nasa tuktok ng Eastern Conference.

“The real story honestly is our defense,” wika ni Boozer. “Our defense was … that was probably one of the best performances we’ve had this season.

Malaki rin ang inambag ni Bulls Bench player John Lucas dahil sumalpak ito ng 20 markers, dalawang assists at isang rebound.

“We had a lot a of guys step up,” sabi ni Bulls head coach Tom Thibodeau. “We caught a break. They played last night in a tough game. We’re fresh, so we had an advantage there and they missed some shots they normally make.”

Natamo naman ng Magic ang ikalawang sunod na panalo kaya naman napako ang panalo nila sa 29 habang may 18 na ang kanilang talo.

Si Dwight Howard ang nanguna sa scoring ng Magic na may 18 points, 12 boards at tatlong blocks.

Para sa ibang NBA result, tinambakan ng Philadelphia 76ers ang Charlotte Bobcats, 105-80 habang binigo ng defending champion Dallas Mavericks ang Denver Nuggets, 112-95.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply