Magic napaso kay Wade

LUMIYAB ng 14 puntos sa fourth quarter si Dwyane Wade upang iangat ang Miami Heat kontra Orlando Magic, 91-81 sa pagpapatuloy ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Kinamada ni star player Wade ang 31 points, anim na rebounds at apat na assists upang ilista ng Miami ang 33-11 win-loss slate at manatiling nasa ikalawang puwesto sa Eastern Conference.

Nag-ambag si Chris Bosh ng 23 pts., pitong boards at tatlong assist upang ilista ng Heat ang ikalawang sunod na panalo at 13-game home winning streak.

Hindi naman nagpadaig ang isa sa “Big 3s” ng Heat na si LeBron James dahil kumana ito ng double-double, 14 points, 12 rebounds at seven assists na may sahog pang five steals.

“If I’m not getting going it scoring, it’s time to focus on something else,” ani James. “I try to be a complete basketball player.”

Halos nawalan na ng ganang humabol ang Magic ng isalpak ni Bosh ang three-point play mula sa pasa ni James may 3:46 na lamang ang nalalabing oras sa final canto kung saan ay alagwa ang Heat, 84-73

“He’s the biggest piece of our team,” saad ni James kay Bosh. “And when he’s going, we’re very dangerous.… That’s what it was all about tonight.”

Tumapos si Dwight Howard ng 18 markers, 11 boards at dalawang assist habang si bench player Quentin Richardson ay sumalpak ng 15 points, apat na boards at dalawang assists.

Sa ibang resulta ng NBA games, nanaig ang Los Angeles Clippers laban sa Detroit Pistons, 87-83 sa isang overtime period habang dinagit ng Atlanta Hawks ang Cleveland Cavaliers, 103-87.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply