Magkakait ng fare discount pagmumultahin

BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng transport groups na hindi magbibigay ng 20 percent fare discounts sa mga estudyante, senior citizens at handicapped.

Ang babala ay ginawa ng LTFRB tatlong  araw matapos magpatupad ng .50 sentimos dagdag pasahe sa jeepneys.

Tumaas man o bumaba,  ang 20% discount sa pamasahe ay hindi aniya magbabago, dahil batas ito na dapat sundin ng public utility drivers lalo na sa jeep at bus.

Sa panayam, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Manuel Iway na mahaharap sa iba’t ibang kaso ang driver ng anumang PUV na mahuhuling hindi magbibigay ng 20 percent fare discount sa senior citizens, students at handicapped.

Sinabi ni Iway, sa existing policy na ipinatutupad ng LTFRB, sa first violation ng mahuhuling driver ay pagmumultahin ng P2,500,  2nd offense P5,000 penalty at suspension ng driver’s license at ng prangkisa, P5, 000 sa 3rd offense  at cancellation ng prangkisa at ng driver ‘s license ng driver.

Kaugnay nito, hinikayat ni Iway ang publiko na isumbong agad sa kanilang opisina ang drivers na hindi tumutupad sa nasabing batas.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang opisina sa lahat ng law enforcers para sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga pasaway na drivers na hindi nagbibigay ng discounts sa mga estudyante, handicapped at senior citizens.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply