Magkapatid utas sa karibal sa negosyo

HINIHINALANG tunggalian sa negosyo ang motibo sa pamamaslang sa isang magkapatid na ikinasugat ng isa pa sa Bagsak, Brgy., San Isidro, Hagonoy, Davao del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napatay na magkapatid na sina Loyd, 28, at Rodrigo Carpintero, samantala sugatan naman si Jerry Cartalaba, 31, pawang ng Brgy. San Isidro, Hagonoy, Davao del Sur.

Sa imbestigasyon, lumalabas na ang mga biktima ay pawang operator ng mobile rice mill sa lugar.

Ayon sa Hagonoy PNP, nagtatrabaho ang tatlong biktima sa palayan nang biglang dumating ang mga salarin na nakasuot ng bonnet.

Dahan-dahang nilapitan ng mga suspek na nanatiling nakasakay sa kanilang motorsiklo ang nakatalikod na mga biktima saka pinaulanan ng punglo.

Sapol sa likod ang magkapatid na Carpintero, dahilan ng kanilang agarang pagkamatay, habang tinamaan naman sa binti si  Cartalaba na agad naitakbo sa ospital.

Target na ngayon ng manhunt operation ang mga suspek na mabilis na tumakas matapos ag krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply