Magkasintahan tumilapon sa national highway sa Ilocos Norte, patay

NASAWI ang magkasintahan na kapwa estudyante makaraang tumilapon sa national highway habang sakay sa isang motorsiklo kaninang madaling-araw sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Nabatid na idineklarang dead on arrival sa bahay pagamutan ang dalawa na nakilalang sina Crisante Agbayani at Charisse Matias dahil sa tinamong sugat sa kanilang ulo.

Pauwi na ang magkasintahan pasado alas-2:00 ng madaling araw mula sa dinaluhang birthday party nang mangyari ang aksidente matapos mawalan ng control sa isang kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy, Binsang, Pasuquin.

Sinasabing accident-prone area ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply