Magnitude 7.4 na lindol yumanig sa Mexico

WASAK ang tinatayang 600 kabahayan at imprastruktura dahil sa magnitude 7.4 na lindol sa Mexico kaninang madaling (oras sa Pinas).

Sa inisyal na ulat, dahil sa pagkawasak ng mga establisimyento ay bagsak din ang linya ng komunikasyon sa mga bahagi ng Mexico na nakaramdam sa naganap na pagyanig.

Nag-panic at nagtakbuhan palabas ng mga gusali ang mga mamamayan upang makapunta sa open ground.

Batay sa report, naitala ang sentro ng lindol sa Ometepec sa estado ng Guerrero.

Gayunman, ramdam ang lindol sa katabing lugar na Oaxaca state, kabisera na Mexico City at maging sa Guatemala.

Nasundan din ang lindol ng ilang aftershocks na matagal naramdam.

Wala namang banta ng tsunami, ayon sa Pacific Tsunami Warning Center.

May mga nasugatan man ngunit wala pang napaulat na namatay sa pagyanig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply