Magpipinsan sabay-sabay nautas sa sakuna

SABAY-SABAY na binawian nang buhay ang magpipinsan matapos bumangga at lamunin ng truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Urdaneta, Pangasinan sa report ng pulisya ngayon.

Base sa ulat, daglian ang naging kamatayan nina Redimar Dasalla, Jonathan Velasco at Oliver Bautista, pawang ng Brgy. Sumabnit, Binalonan.

Ayon kay Dante Clarens, driver ng truck, sinubukan niyang iwasan ang motorsiklo ng mga biktima pero dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng mga mga ito ay wala siyang magawa kundi masalpok ang tatlo.

Napag-alaman na pawang mga lango sa alak ang tatlo nang maganap ang insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply