Magsasaka, trabahador sa Hacienda Luisita nagkainitan

MULI na namang nagkagulo ang mga trabahador at magsasaka sa Hacienda Luisita Incorporated (HLI) sa Tarlac.

Nabatid na alas-10:00 ng umaga kahapon magbatuhan ang mga magsasaka at trabahador ng RCBC sa Barangay Balete nang pilit binaklas ng mga magsasaka ang yerong ipinambabakod sa may 500 ektaryang lupain ng RCBC.

Ilang oras lang ay napigil ng mga pulis ang kaguluhan pero pagsapit ng hapon ay muling nagkainitan ang magkabilang panig.

Lumalabas na muling nagkairingan ang dalawang grupo nang igiit ng mga magsasaka na kanila ang lupang binabakuran ng mga tauhan ng RCBC.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply