‘Magsaya ngayong Kuwaresma’– CBCP official

ANG panahon ng Kuwaresma ay hindi lamang panahon ng pag-aayuno kundi panahon din ng pagsasaya.

Ito ang ginawang paglilinaw ngayon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Sa Pilipinas, maraming Katoliko ang nag-aayuno sa loob ng 40 araw sa panahon ng Kuwaresma na panahon nang paggunita sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo sa pamamagitan nang pag-iwas sa pagkain ng mga karne at sa mga luho.

Gayunman, pinayuhan ni Villegas ang mga mananampalatayang Katoliko na palagiang ngumiti ngayong panahon ng Mahal na Araw na aniya ay panahon nang pagdiriwang sa pagmamahal at pag-ibig ng Panginoon sa tao.

“Please be happy during Lent because it is a joyful season…the reason for this Holy season is that God loves us and God is faithful despite of everything,” ayon kay Villegas, sa panayam ng Church-run Radio Veritas.

Pinaalalahanan din ng CBCP official ang mga mamamayan na maghatid ng pag-asa at kasiyahan sa kapwa na siyang tunay na mensahe  ng panahon ng Kuwaresma.

Aniya, bagamat nagsasakripisyo ang bawat isa sa Mahal na Araw ay hindi pa rin dapat na kalimutan ng lahat na maging masaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply