Mahal na kuryente sa Mindanao pagtiyagaan muna

UMAPELA ang Malakanyang sa mga taga-Mindanao na pagtiyagaan muna ang mas mahal na singil sa kuryente sa kanilang rehiyon dahil sa power barges.

Sa kasalukuyan ay P3 ang kada kilowatt hour at P14 kung manggagaling naman sa power barges.

Naniniwala si Presidential spokesman Edwin Lacierda na mas magiging mura ang presyo ng kuryente kung ihahalo ang gawa sa diesel at galing sa hydro power plants.

Pinakiusapan pa rin ng opisyal ang mga taga-Mindanao na magtiis muna sa nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente sa rehiyon.

Aniya, makabubuting hintayin ng mga residente roon na gumana ang short-term measures na ikakasa ng pamahalaan.

Suportado naman ng Malakanyang ang balak ni Mindanao Development Authority chairperson Luwalhati Antonino na ituloy ang imbestigasyon hinggil sa ‘artificial power shortage’ sa Mindanao.

Sinabi ni Sec. Lacierda na may mga naglalabasang balita na resulta di umano ng manipulasyon ang kakulangan sa suplay ng koryente sa rehiyon.

Subalit, base sa idinaos na pulong nina Pangulong Benigno Aquino at Energy Sec. Jose Rene Almendras, kulang talaga ang produksyon ng kuryente kaya kailangang gamitin ang power barges.

Nauna nang ipinatawag ng Chief Executive si Minda chairperson Antonino  para hingan ng paliwanag ukol sa  malawakang brownouts sa Mindanao.

Tinuran ni Sec. Lacierda na gusto ni Pangulong Aquino na magkaroon ng agarang solusyon sa matagal ng problema sa rehiyon sa lalong madaling panahon.

Naging bahagi ng napag-usapan ang alegasyong artipisyal o gawa-gawa lamang ang sinasabing shortage sa koryente sa Mindanao.

Hindi naman matiyak ni Lacierda kung may pananagutin sa mga opisyal sakaling mapatunayang hindi totoo ang power shortage makaraang sabihin mismo ni Antonino na walang power shortage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply