Makakalikasang Fashion Show sa Abril 17

NAIS n’yo bang makatunghay ng kakaibang fashion show?

Ito ang ihahatid ng Sky Star Entertainment Productions and Talent Center na magtatampok sa kagandahan ng niresiklo (recycled) na materyales sa ating mga damit at fashion accessories.

Ito ang kauna-unahang presentasyon ng Sky Star na pinamagatang “3R Fashion Night” na gaganapin sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City sa Abril 17, Martes.

Layunin ng “3R Fashion Night” na pukawin ang kamulatan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng paghahatid ng mensahe na ang ikinokonsidera nating mga bagay na “pangit” at “wala nang silbi” ay maaaring maging magandang fashion material.

“Ang adbokasiya ng Sky Star ay hindi lamang upang makapagbigay ng aliw. Pangunahing layon ng aming ahensiya ang makapagbigay sa inyo ng mga dekalidad na live shows na may kahalagahang panlipunan, pang-ekonomiya at pangkultura.

Sa ngayon ang climate change ay isa sa maiinit na usapin na dapat tugunan at ang ‘3R Fashion Night’ ang simple naming kontribusyon para labanan ito,” pahayag ni Rjhay E. Laurea, Sky Star general manager.

Ang “3R Fashion Night” ay ipalalabas sa kooperasyon ng JCI Kalookan-Bantayog at Alternative Media Ventures, Inc., para sa Rehabilitation and Reforestation Program ng CAME Foundation, Inc., sa Cagayan de Oro at Iligan Cities.

Inihahandog din sa atin ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni Secretary Ramon J.P. Paje, Husay Pinay eco-friendly bags, Office of Vice Mayor Joy Belmonte, Suntrust Realty Corporation, Natura Healthplus, AVEDA Salon and Spa, ALAM Partylist, at National Economic Protectionism Association (NEPA).

At sa suporta na rin ng Radyo Singko, Hataw, Quezon City Times at Crisgenz PR and Events Management, gayundin ng Group of Unified Youth for Social Change (GUYS) at Tau Gamma Sigma-Quezon City Council.

Kabilang sa mga pangunahing modelo na magtatanghal sa “3R Fashion Night” ay sina Ms. Vera Tibayan, Ms. Miraj Fernandez, Ms. Princess Oandasan, Ms. Kristine Gochuico, Ms. Guia Gutierrez, at Ms. Beth Ramos o ang Huwarang Binibini 2011 Glamorous 6, kasama ang dating Ms. Metro Manila na si Dra. Shell Mendoza.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply