Makibaka, huwag matakot

MALAKING dagok sa kalayaan sa pamamahayag ang naganap na pamamaril kay Fernan Angeles.

Bawat pangyayari na ganito sa mga batang media, hindi rin natin maiwasan ang lumingon sa pamahalaan.

Ang tanong natin: wala na bang katapusan ang pamamaslang sa mediamen?

Wala na rin bang magagawa ang pamahalaan para mapigilan ang ganitong karahasan sa media?

Ano na ang nangyayari sa sinasabing demokrasya na kakambal ng malayang pamamahayag?

Kakambal na ba ng demokrasya at kalayaan sa pamamahayag ang pagpaslang sa mediamen?

oOo

Ilang araw lang bago mabaril si Fernan, Suki, hinarang siya ng mga Presidential Security Group sa Malakanyang para hindi siya makapasok sa trabaho niya bilang reporter ng The Daily Tribune.

Isa kasing kritiko ng administrasyon ni PNoy ang nasabing diaryo kaya pati ang reporter nito na nakatalaga sa Malakanyang ay hinaras.

Kung hindi pa kumilos ang Malacañang Press Corp para papasukin si Fernan ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho roon.

Hindi natin sinasabing may kaugnayan ang Malakanyang sa pamamaril kay Fernan na kritikal pa rin ang kalagayan sa isang ospital.

Dahil may iba pang iniulat nito na maseselang bagay gaya ng droga.

Alam naman natin na mabagsik ang droga.

Kasimbagsik ng mga sangkot dito ang mga korap at inutil sa gobyerno na kung maiulat  sa  media  ang  mga kalokohan ay umuusok ang mga ilong sa galit.

oOo

Talaga namang sinadyang patayin at hindi bubuhayn si Fernan ng bumaril sa kanya.

Inubos ng kriminal ang bala ng kanyang kalibre .45 para mapatahimik niya nang tuluyan ang katoto natin.

Sa kabila ng lahat, Suki, sasabihin natin sa ating mga kumrad: “Makibaka, Huwag Matakot.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply