Malacañang reporter binistay ng bala, kritikal

KRITIKAL pa rin ang Malacañang reporter ng Daily Tribune makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin kagabi.

Kinilala ang biktima na si Fernan Angeles.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang insidente matapos makatanggap ng text message mula sa misis ni Angeles na nasa recovery room pa ng Pasig City General Hospital ang kanyang mister.

Nabatid na anim na tama ng bala ang tumama sa biktima dahilan para makaranas ng bone fracture.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply