Malakanyang tiniyak na ‘di babastusin si Corona sa Senado

TINIYAK ng Malakanyang na hindi babastusin o pahihiyain ng mga senator-judge si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa oras na tumestigo na ito sa paglilitis ng kinakaharap na impeachment case.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakita naman ng depensa kung paano tratuhin ng senador ang mga humaharap sa kanilang pagdinig at kapansin-pansin naman na walang pambabastos na nangyayari.

Matatandaang konsiderasyon ng depensa ang posibleng pagsasamantala ng mga senador kaya nagdadalawang-isip silang paharapin ang punong mahistrado.

Ani Valte, umaasa silang haharap sa witness stand si Corona para siya mismo ang magpaliwanag sa kinukuwestiyong statement of assets, liabilities and net worth (SALN) niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply