Malawakang brownout sa MM pinabulaanan

PINABULAANAN ng Malakanyang na may magaganap na malawakang brownout sa Metro Manila at sa buong Luzon.

Sa pulong sa pagitan nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Energy Secretary Jose Rene Almendras at Mindanao Development Chairperson Luwalhati Antonino, nilinaw ni Almendras sa Pangulo na walang magaganap na power shortage sa MM kahit sa Mindanao o sa iba pang panig ng bansa.

Ani Almendras, nagkaroon lamang ng problema sa ilang power generating facilities na nagsu-suplay ng kuryente kaya nagkaroon ng manaka-nakang brownout sa Metro Manila at sa iba pang panig ng Luzon, pero ito aniya ay pansamantala lamang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply