Malawakang transport strike kasado na bukas

WALA nang makapipigil sa malawakang transport strike na isasagawa bukas upang iprotesta ang umano’y kawalang-aksyon ng pamahalaan sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Pinag-isang Samahan ng Tsuper At Operators Nationwide (PISTON), isasagawa ang kilos-protesta sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang ang Isabela, Baguio, Laguna, Bicol, at Metro Manila.

Nabatid naman kay PISTON National President George San Mateo na tinatayang may 50 jeepneys ang sasali bilang pagkondena sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sisimulan ang kanilang kilos-protesta mula sa Quezon City Circle at mamartsa patungo sa National Housing Authority sa East Avenue at didiretso sa main office ng Chevron sa Ayala-Alabang.

Dahil dito, naghahanda naman ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan sa kilos-protesta at matulungan ang mga maaapektuhang motorista.

Nagsagawa rin ng emergency meeting kahapon ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Education (DepEd), Department of Energy at ilan pang ahensya upang tiyakin ang paghahanda kung sakaling maparalisa ang mga sasakyan sa mga nasabing lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply