Malaysian drug mule natimbog ng NBI

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang hinihinalang drug mule na Malaysian national at miyembro ng West African Drug Syndicate.

Ayon sa NBI-Reaction, Arrest and Interdiction Division (RAID), nakilala ang suspek na si Bing Shou Pou.

Si Pou ay nahulihan ng 2.47 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon habang sakay ng taxi sa bahagi ng Taft Avenue sa Edsa.

Nabatid kay NBI RAID Division Head Atty. Ross Jonathan Galicia, dumating ang suspek sa Clark International Airport sa Pampanga na walang dalang bagahe.

Sinundan ito ng mga tauhan ng NBI hanggang sa makapag-check-in sa isang hotel at tumuloy naman sa isang compound sa Makati kung saan lumabas itong may bitbit ng maleta.

Ipinaliwanag naman ni Pou, na ipinadala lamang sa kanya ang nasabing maleta para dalhin sa Malaysia sa isang may code name na “666” sa kapalit ng $1,500.

Ayon naman sa NBI, nakuha ang shabu sa maletang dala ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply