Mali sa SALN ni Abad sinalo ng Malakanyang

IBINALIK ngayon ng Malakanyang kay Chief Justice Renato Corona ang usapin hinggil sa pagkakamali ni DBM Sec. Butch Abad sa entry sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Makaraan kasing aminin ni Abad na assessed value lamang ng kanyang mga ari-arian ang inilagay sa SALN ay naging sentro na siya ng batikos.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, honest mistake ang nagawa ni Abad patunay ang kahandaan nitong ayusin ang kanyang SALN, hindi katulad ni Corona na puro may discrepancy sa mga ari-arian na nakadeklara.

Dagdag pa ni Valte, iba ang kaso ni Corona sa kaso ni Abad.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply