Mambabarang utas sa pamilya ng biniktima

ISANG lalaki na pinaghinalaang mangkukulam ang pinaslang ng isang pamilya na namatayan ng kaanak dahil sa pambabarang sa Malapatan, Sarangani sa ulat ng PNP.

Sa report, kinilala ang biktima na si Danny Tawara Uray, alyas Pare, 45; magsasaka, ng Purok Pag-asa.

Agad namang tumakas sa mga alagad ng batas ang suspek na si Loreto Bayani, pawang ng tribong B’laan at residente ng Sitio Kibo, Barangay Tuyan, nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakaabot sa barangay ang alitan ng pamilyang Uray at Bayani kung saan ay inaakusan ang namatay na mambabarang at responsable sa pagkamatay ng isa sa mga kamag-anak ng suspek subalit hindi sila nagkaayos.

Matatandaan na namatayan ang pamilyang Bayani at itinuturong nasa likod sa pambabarang ang pamilyang Uray na mariin namang pinabulaanan ng pamilyang Uray na sila ang dahilan sa pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya Bayani.

Dahil hindi nagkaayos ang dalawang pamilya ay na nakakita ng pagkakataon ang suspek habang naglaro ng baraha si Danny na kanyang pinagbabaril hanggang mamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply