Mana ayaw ibigay, tatay hinagisan ng granada ng anak

MASUWERTENG buhay pa rin ang isang tatay, matapos hindi matanggal ang pin sa granadang inihagis sa kanya ng sariling anak sa Pangasinan, sa ulat ng pulisya.

Nakakulong na ang suspek na si Wilfredo Terrado nang agad na ipinakulong ng kanyang ama na si German,  ng Malasiqui, Dagupan, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, nagawang tangkang pasabugan ng suspek ng granada ang kanyang tatay matapos mabuwisit sa hindi pagbigay ng biktima sa sa matagal nang inuungot na mana.

Sa sobrang galit ay tangkang pasabugan ng suspek si German na masuwerte namang hindi natanggal ang pin kaya hindi sumabog.

Nabatid na una nang pinatay ng suspek ang kanyang sariling misis at kapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply