Mandarayang gasolinahan pagmumultahin

BINALAAN ng Quezon City treasurers office ang lahat ng gasolinahan sa lungsod na kanilang pagmumultahin ang mga mapapatunayang nandaraya o nagso-short sellings sa hindi calibrated nilang mga pumping station, upang makasiguro ang mga motorista na sapat ang kanilang ipinapakargang gasolina o krudo.

Matapos na ipatupad ang P8.50 dagdag sa pamasahe sa pampasaherong dyip, nagsagawa ng sospresang inspeksyon sa dalawang gasolinahan ang Quezon City treasurer office kaninang umaga.

Ayon kay QC treasurer Ed Villanueva sinorpresa nila ang Sea Oil at Caltex gas stations na nasa San Francisco del Monte.

Sa ginawa nilang calibration sa dalawang gasolinahan lumabas na kulang ng 62.5 ml kada litro ng diesel ang pumping station ng Sea oil na nasa panulukan ng Delmonte at West River Side, habang wala namang nakitang iregularidad sa Caltex station.

Ayon kay Villanueva, ginawa nila ang surprise random inspection para makatiyak ang mga motorista na sapat ang ipinakakarga nilang petrolyo lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo nito.

Ani Villanueva, pagmumultahin nila ng P4,000 ang Sea Oil dahil sa unang paglabag sa short selling of gas.

Binigyan naman ni Villanueva ng limang araw ang Sea Oil para ipaayos ang madayang pumping station kasabay ng babala na patuloy silang magsasagawa ng random inspections sa iba pang mga gasolinahan sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply