Mandatory day-off sa OFWs iginiit

IGINIIT ngayon ng Migrante Middle East ang mandatory day -off para sa mga overseas Filipino worker sa Gitnang Silangan.

Sa kasalukuyan, mahigpit na tinututulan ng ilang bansa sa Gitnang Silangan ang pagbibigay ng isang araw na day-off kada linggo sa mga dayuhang empleyado at ang mandatory eight-hours na pagtatrabaho sa isang araw.

Nabatid na ang pamhalaang Singapore ang nagpapairal ng mandatory day-off sa lahat ng mga dayuhang manggagawa sa kanilang bansa.

Pangunahing tumututol sa mandatory day-off ang Kuwait dahil paglabag sa kanilang polisiya ang pagtungo ng foreign worker sa isang lugar na hindi alam ng kanilang  sponsor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply