Manila Bay pinamamanmanan

MAHIGPIT na pinababantayan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Baywalk sa Roxas Boulevard.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, kanyang pinamamanmanan ang lugar upang sawayin ang mga taong magtatangkang maligo sa napakaruming tubig sa Manila Bay ngayong tag-init.

Ipinaalala ng alkalde na hindi ligtas maligo sa Manila Bay dahil polluted na sa mga nagkalat na basura at mga kemikal na humalo sa tubig. Aniya, dahil polluted ang tubig, maaaring pagmulan ito ng mga sakit katulad ng pagtatae at iba’t ibang sakit sa balat.

Sa halip, hinikayat ng alkalde ang mga residente na maligo na lamang sa mga swimming pool ng lungsod na nasa San Andres Sports Complex, Delpan Sports Complex, Dapitan Sports Complex at maging sa tabi ng Quirino Grandstand na mura lang naman aniya ang entrance fee.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply