Manny Pacquiao bigo kay Gov. Vilma Santos

SUPPOSEDLY, last Saturday ay special guest sana si Batangas Gov. Vilma Santos sa game show ni boxing champ Manny Pacquiao na Manny Many Prizes sa GMA7. Kaso mo, nataon naman na katapat na katapat pala ng Kapamilya Deal or No Deal ng binata ni Gov. Vi na si Luis Manzano ang show ni Cong. Manny. Siyempre for delicadeza naman, isang linggo bago ang kanyang guesting ay nagpasabi na si Ate Vi sa production people ng Manny Many Pries na hindi na siya matutuloy rito.

Pero kung hindi talaga masasagasaan ang show ni Luis ay talagang gustung-gusto nitong mag-guest kay Manny. Alam niya kasi ni Ate Vi na maraming natutulungan ang programang ito ng nasabing kongresista kaya nakikiisa siya rito. At sa tinagal-tagal na panahong pamamalagi ng Star for All Season sa industriya ng showbiz, kaya siya minahal ng mga tao rito ay dahil isa siyang propesyonal na artista and public servant.
At mukhang this year kung matutuloy ang plano ng Star Cinema bilang bahagi ng pagdiriwang ng golden anniversary ni Ate Vi sa showbiz, may balitang aside sa movie nila ni Kim Chiu na The Healing, pagsasamahin ang sikat na actress politician at Aiai de las Alas ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival 2012.

Aba! Kapag natuloy ang movie nilang ito ng komedyana ay sure na sure na ang pagtabo nito sa takilya. Congrats nga pala kay Luis at buong staff ng Deal or No Deal dahil waging-wagi sa rating ang pilot episode nila. Ayon pa sa datos ng Kantar Media, pumalo ang show sa national average TV rating na 21.7% kontra sa kalabang Manny Many Prizes na 10% lang. Cheers to dat gyud!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply