Manny Pacquiao, BIR kinastigo sa away-buwis

KINASTIGO ng isang senador ang pag-aaway nina Sarangani Rep. Manny Pacquiao at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa bayarin ng  buwis ng una dahil sa halip pag-usapan sa korte ay inilalantad pa sa media ang sigalot.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, dapat ayusin sa korte nina Pacquiao at ng pamunuan ng BIR ang usapin sa buwis upang matigil ang patutsada ng magkabilang kampo na hindi nakabubuti sa sinuman.

Unang umangal si Pacquiao sa isang press conference kung saan pinasisibak niya ang regional director ng BIR sa General Santos City dahil sa pangha-harass sa kanya.

Nangangamba si Pacquiao na baka mawalan siya ng endorsements dahil sa tila pinalalabas ng BIR na hindi siya nagbabayad ng tamang buwis.

Nanindigan naman si BIR Commissioner Kim Henares na hindi niya pagbibigyan ang kahilingan ni Pacquiao na sibakin ang regional director ng BIR.

Inamin din ng BIR chief na umaabot lamang sa P 7 milyon ang binayad na buwis ng Pambansang Kamao noong 2010 kumpara sa P 10 milyon na ibinayad nito noong 2009.

“Kung may sapat na dahilan, information at ebidensiya sa korte na lang sila magkita,”giit ni Honasan sa dalawang kampo.

“At sana naman hindi ito simpleng harassment ng BIR batay sa pananaw ng ilan sa ating mga kababayan,” dagdag pa ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply