Mansyon ni Simon Cowell tinangkang pagnakawan

NAAKTUHAN mismo ng music mogul na si Simon Cowell ang isang babae na pinasok ang kanyang multi-million dollar mansion sa London.

Mismong ang Scotland Yard ang nagkumpirma na kinasuhan na ng aggravated burglary ang suspek na si Leanne Zaloumis at pansamantalang isasailalim sa kustodiya ng West London Magistrate Court.

Hindi na nagbigay ng anumang pahayag ang ni Cowell dahil anila’y nasa korte ang kaso.

Batay sa ulat sa Entertainment Televison, si Zaloumis ay gumamit ng brick makapasok sa bintana ng banyo.

Sakto namang nanonood ng telebisyon si Cowell sa kaniyang living room.

Nahuli ng kanyang security ang suspek sa silid mismo ng dating American Idol judge.

Hindi naman akalain ni Cowell na malulusutan ang kanyang security.

Maalala na noon ay ipinagmalaki ni Cowell ang paggastos niya sa security ng kanyang mansyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply