Manyakis na Kano itinapon pabalik sa Amerika

BALIK Estados Unidos na ang manyakis na American national matapos maaresto ng operatiba ng Bureau of Immigration sa Davao City kamakailan.

Sa isang kalatas, tinakasan ni Ronald Willian Paul, 71, ang kasong pambabastos sa isang menor de edad na babae sa Jacksonville, Tennessee matapos masentensiyahan at mabigyan ng panandaliang kalayaan.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David, naaresto si Paul sa kanyang bahay sa BGC Village, Davao City noong Pebrero 29, sampung buwan mula nang magtago sa Pilipinas.

Ayon kay Associate Commissioner Abdullah Mangotara, agarang pababalikin ang akusado sa Estados Unidos sa sandaling makakuha ang kawanihan ng kaukulang pahintulot mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Sa imbestigasyon, maituturing na undesirable alien sa Pilipinas si Paul makaraaang kanselahin ng US State Department ang ibinigay na pasaporte sa dayuhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply