Mar pinagbibitiw sa puwesto ng transport group

HINAMON ni Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) leader Efren de Luna si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na mag-resign na sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Itoy matapos umanong hindi tuparin ni Roxas ang kanyang mga ipinangako sa transport sektor sa harap ni Pangulong Benigno Aquino III nang sila’y magkaharap sa nangyaring konsultasyon noong isang taon (2011).

“Ano ba ito, puro pangako malinaw yung utos sa kanya ni PNOY noong magkakaharap kami kasama ang lahat ng transport leaders eh matatapos na ang isang quarter ng 2012 yung pangako hanggang ngayon pangako pa rin, kaya hinahamon ko si Sec. Roxas na mag resign na lang,” ayon kay De Luna.

Ani De Luna, duguan na ang transport sector sa serye ng pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo lalo na ang diesel.

Samantala, inanunsiyo ni De Luna na daang lider aniya ng ACTO sa iba’t ibang rehiyon ang magsasagawa ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Petron, Shell at Chevron sa Makati City upang maipakita ang kanilang mga sentimiyento sa Lunes, Marso 19.

Habang sa Miyerkules (Marso 21), sasama ang kanilang grupo sa iba pang transport groups (FEJODAP-ALTODAP-PASANG MASDA-LTOP) na pawang nasa ilalim ng One United Alliance Transport Koalisyon (1-UTAK) para sa ikinasang Welgang Bayan sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply