Marami na ang nag-aabang sa TV program ni Mega!

BUONG bayan na ang nag-aabang sa pagbabalik ng Megastar sa TV ngayong Marso. At syempre pa, sa bago nitong tahanan, ang Kapatid Network. Hindi pa man lumalabas ang iba pang detalye ng kanyang bagong programa na Sharon: Kasama mo, Kapatid, tinitiyak naman ng mga kausap natin sa TV5 na punung-puno ng puso at good vibes ang programa.

Si Direk Mark Meily ang nakatakdang mag-direhe ng programa na kung ating matatandaan ay direktor rin ni Mega sa kanyang pelikulang Crying Ladies.

Super abang na talaga ang mga Sharonian sa iba’t ibang panig ng mundo na naaabot ng TV5. Iba pa rin kasi ang karisma ng Megastar lalo na sa mga Kapatid natin sa ibayong-dagat dahil sa isa nang living legend ang Megastar. Iilan nga lang ba kasi ang mga artistang tiningala natin na nagbilang na ng ilang dekada sa industriya ngunit nananatili pa rin ang kinang ng pagkabituin?

Bagay na bagay ang isang mapusong programa sa Megastar dahil tunay ngang napakalaki ng puso niya para sa mga buhay na binago ng kanyang sining bilang artista.

000

PAGDATING sa pagtulong sa ibang tao, di pahuhuli si Rep. Manny Pacquiao. May mababang puso kasi siya sa mga kapus-palad na mamayan dahil nanggaling rin siya sa hirap kaya ramdam niya ang pagdadahop ng mga taong lumalapit at nanood ng kanilang programa sa GMA. Sa totoo, talagang natutulog na sa kalye ang mga fans niya para lang suwertehin sa mga pa-contest o maanggihan kaya ng pamasahe ni Manny kapag hindi nagwagi ng jackpot prize ang major contestant sa game show.

Sa Manny Many Prizes, laugh trio ngayong Sabado dahil panauhing co-host ni Manny ay si Rufa Mae Quinto, kasama pa sina Kakai at Rubi-Rubi na talagang hihirit sa pagpapatawa.

Kayanin naman kaya ng mga amateur singer-comedian ang hamon ng Boksing-a-long?

May mga Kapuso stars ang dadayo at maglalaro para sa maswerteng studio contestants sa Easy Manny Elimination Round.

At dahil birthday ni Paolo Contis, susorpresahin siya ng isang babaeng malapit sa puso niya. Si Lian Paz kaya ito, ang ina ng kanyang dalawang anak?

Mapapanood ang MMP pagkatapos ng 24 Oras weekend edition.

000

GANADO na muli sa acting si Mark Anthony Fernandez. Aba! game na game itong lumabas sa horror-drama na Spooky Nights kung saan tampok ang istoryang “Imbitasyon.”

Kakaibang horror ito na tiyak na masi-shock ka sa gagawing pananakot at natural drama acting ni Mark Anthony.

Kasama sa nasabing episode Stef Prescott na gaganap bilang Karen, ang babaeng malalagay sa gitna ng isang misteryo na bumabalot sa lalaking kasama niya sa bago nilang bahay.

Off beat role ang gagampanan ni Mark bilang si Wilson na isang nakakikilabot na tao dahil napagdududahang may diperensiya ang utak.

Ano kaya kahihinatnan ng pagsasama nina Wilson at Karen sa nakaka-shock na kwento na ‘to ng Spooky Nights pagkatapos ng Manny Many Prizes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply