Maraming underpaid workers sa Boracay

ANG ating bansa ay isa sa may pinakamagaganda at malilinis na  mga beach kung kaya’t kapag ganitong summer na ay dinarayo ito ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

At kapag ganitong summer ay nag-uuwian din dito ang ilan nating kababayan na nasa ibang bansa para maligo at mapuntahan ang mga magagandang tanawin at beach, kasama ang  kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Sa katunayan, hindi pa man bakasyon sa mga eskuwelahan o masasabing summer vacation na, ay abala na ang Department of Tourism sa pagpo-promote sa bansa na “its more fun in the Philippines.”

Hindi lang ang mga dayuhan ang iniengganyo ng DOT na pasyalan ang mga beach natin kundi maging tayong mga Filipino rin.

Okey ang hakbanging ito ng DOT, ang ipakilala ang bansa ngunit, huwag naman sanang kalimutan ng gobyerno, lalo na ang DOLE, ang kalagayan ng mga manggagawa sa mga beach resort and hotel/restaurant.

Isang grupo ng manggagawa sa Malay, Boracay Island, Aklan ang nagsumbong sa Lily’s Files kaugnay sa kanilang kalagayan bilang maliliit na manggagawa.

Nakaaawa ang kalagayan nila sa ilang mapagsamantalang  kapitalista rito, lalo na ang mga nagmamay-ari ng mga naggagandahang beach, hotel at resort dito.

Hindi lang pala underpaid ang mga obrero rito tulad ng waiter/waitress, cook, front desk receptionist, bar tender, chamber maid, roomboy, driver, at iba pa, kundi wala pa silang bayad sa overtime at holiday (Sunday), legal holidays habang ang kanilang 13th month pay ay ginagawa ring hulugan.

Hindi rin sila kinakaltasan ng SSS premium para makaiwas ang mga may-ari sa SSS–employers share sa monthly premiums.

Nananawagan tayo sa DOLE at SSS na kung maaari ay magsagawa ng surprise visit/inspection sa mga naggagandahang resort/hotels sa Boracay.

Kawawa naman ang mga manggagawa natin sa isla. Unti-unti silang pinapatay ng ilang gunggong at mapagsamantalang kapitalista sa Boracay.

Naniniwala ang inyong lingkod na hindi lang sa Boracay ito nangyayari kundi sa iba’t ibang mga beach din sa ating bansa.

Ngayon dapat ipakita ng gobyerno ang tuwid na daan, hindi lang sa mga kaalyado ng nakaraang administrasyon kundi sa lahat, maging ito ay ka-“KKK” ng Pangulo.

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000  o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply