Marian Rivera nagsuplada sa Panagbenga

NAGULAT kami sa reaksyon ng ibang pasahero sa sinakyan naming aircon bus pabalik ng Maynila noong Lunes (Pebrero 27) nang nakita nila si Marian Rivera sa TV screen habang pinapanood namin ang news program ng GMA-7 ng Baguio City.

“Naku, suplada ‘yan! Hindi man lang kumaway at hindi ngumingiti! Sigaw kami ng sigaw ng kanyang pangalan kahit mainit ang araw ay tiniis namin pero talangang may stiff neck ang babaing ‘yan!” magkakatulad na komento ng mga pasaherong babae sa aming likuran.

Obviously, masama ang kanilang loob dahil ang bida ng kanilang pinapanood noong “Amaya” ay pinagsupladahan sila. Hence, nangako silang hindi susuportahan ang anumang proyekto ng aktres lalo na ang My Beloved. Pati ang kanilang mga bisitang balikbayan mula sa USA ay naimbiyerna din sa naging ugali ng aktres.

Katabi ni Marian ng mga sandaling ‘yun si Dingdong Dantes na ngumingiti din naman at kumakaway paminsan-minsan. We can’t totally blame the two dahil kasagsagan ng init ng araw ng mga sandaling ‘yun at kaya siguro hindi sila nakakaway at nakangiti ay dahil hindi sila kumportable sa pagkaupo sa karosa.

Kaya kami nagtaka sa nasabing mga komento ay dahil napanood namin ang live coverage ng Penabengga sa sa TV sa loob ng coffee shop na aming kinauupuan, isang Marian na nakangiti at kumakaway sa mga taghanga. Pati sa news program kinahapunan ay ‘yun din ang mga eksenang napanood namin.

Tuloy naisip namin na pinoprotektahan lamang ng nasabing programa ang kanilang Kapuso stars kaya magagandang eksena lamang ang ipinakita sa TV. Kaya lang, ang mga taong nakapanood mismo ng personal sa aktres ang umalma dahil nakaranas sila ng hindi magandang pag-uugali ng aktres.

Sa puntong ito ay naalala namin noon sina Dingdong at Antoinette Taus. How time flies talaga dahil may isang event noon sa Baguio City na nakasama kami. Isang show ‘yun na guest artists sina Dingdong Dantes na hindi pa sikat ng mga sandaling ‘yun at ang ka-sweet-an nitong si Antoinette na naka-base na ngayon sa America.

Ang lagkit ng kanilang tinginan sa isang sulok ng coffee shop habang hinihintay ang kanilang tawag. Pero ngayon, sikat na ang aktor ay si Marian na ang kanyang katitigan at kangitian.

I’m just sad regarding Marian dahil ang pagkaalam namin ay nagbago na siya for the better. As in, marunong nang makipagkapwa at mapagkaibigan pero nagkamali pala kami dahil balik siya sa pagkasupladita. Tsk,tsk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply