Mas mababang halaga ng gamot iginiit

IGINIIT ni Sen. Edgardo Angara sa pamahalaang Aquino na gumawa ng hakbangin upang mapababa pa ang presyo ng mga gamot sa bansa.

Ginawa ni Angara ang pahayag matapos ilunsad ang Aspen Pharmacare, isa sa nangungunang pharmaceutical company sa mundo, ang kanilang Asian headquarters sa bansa.

Ani Angara, vice-chairman ng Senate committee on health, ang nasabing kompanya ay kabilang sa top 20 generic manufacturers sa buong mundo na nagsu-supply ng branded at generic drugs sa may 100 bansa sa mas murang halaga.

Mula umano ng maipatupad ang Cheaper Medicines Law, bumaba ang presyo ng mga pangunahing gamot pero mas magiging abot-kaya umano ito kung may malakas na kompetisyon at de-kalidad na medisina.

Base sa record ng Department of Health, gumagastos ang mga Filipino mula P1.5 hanggang P2 bilyon sa binibiling mga gamot kada taon, dahil mas mahal ito ng 30 beses kumpara sa Canada at ibang bansa sa Asya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply