Mas matapang na oil deregulation law isusulong

KASUNOD ng malawakang kilos-protesta kanina ay isinulong ni Senador Francis Escudero ang komprehensibong pag-aaral ng oil deregulation law upang mapalakas ang kapangyarihan ng Department of Finance at Department of Justice na ma-monitor ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Escudero, chairman of the Senate Committee on Justice and Human Rights, na matagal na niyang isinusulong ang nasabing hakbang alinsunod na rin sa kanyang Senate Resolution  217.

“The situation in 2008 when oil pump prices reached P60 per liter is looming to happen again now, with our Department of Energy (DOE) saying it so,” ani Escudero.

Umaapela si Escudero para sa agarang pagrepaso ng kasalukuyang deregulation law na ang layunin ay  maibalanse ang karapatan ng kinauukulang government agencies at oil players.

Ang oil deregulation law, ayon kay Escudero ay itinatag upang mabantayan ang pagtatatas ng presyo ng oil products ngunit hindi naman ito epektibo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply