Mas matinding trapik asahan bukas, Lunes

MAS matinding trapiko ang mararanasan bukas, Lunes dahil sa sabay-sabay na gagawing pagkumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa halos 20 kalsada at tulay sa Metro Manila.

Ani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, sinasamantala nila ang panahon ng tag-init para tuloy-tuloy na maayos ang mga mga kalsada at hindi maanatala sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Nabatid na 12 sa aayusing daan ay sa Quezon City kasama na ang Batasan, Fairview at Aurora Boulevard, anim namann sa Maynila, kabilang sa Tondo, Quiapo at Lacson Street at mayroon din sa Caloocan, Malabon, Pasig, Pasay, Muntinlupa at Makati.

Payo naman sa mga motorista na humanap na ng alternatibong daan para makaiwas sa trapiko.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply