May mas malupit pa kay Sen. Miriam – Enrile

MAS marami pang malupit na huwes kaysa kay Senadora Miriam Defensor- Santiago na harapan kung mamahiya sa kapwa abogado sa kasagsagan ng paglilitis.

Ito ang sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile bilang pagtatanggol sa panenermon ng senadora sa kampo ng prosekusyon sa paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa senador, mas matindi pa sa senadora ang namayapa nang si Judge Arsenio Solidom, si Judge Al Buendia, Judge Roberto Capulan, Judge Bienvinido Tan, judge Antonio Mojica, na mga batikang huwes.

Dagdag pa ni Enrile, talagang  kailangang matuto ka, mapipilitan kang matuto sa mga batas.

Dahil dito, nauunawaan umano ng senador ang frustration ng kapwa mambabatas sa ginagawa nilang paglilitis dahil sa kakulangan ng prosekusyon na madiin sa kaso ni Corona.

Ayon pa kay Enrile, kapag nakita nila ang kapwa nila abogado na nangangapa sa pagdinig, kabiguan ‘yun para sa kanila at pahihiyain ka talaga ng kapwa mo abogado para matuto ka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply