Mass murder pa ikinasa vs Ampatuan clan

NAKATAKDA na namang magsagawa ng serye ng mga pag-aresto ang mga tauhan ng Philippine National Police laban sa  hanay ng maimpluwensiyang Ampatuan clan na itinuturong responsable sa nakalipas na Maguindanao massacre.

Ito ay matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mahigit 20 miyembro ng pamilya Ampatuan na kinasuhan ng multiple murder dahil sa pag-uugnay sa kanila sa chainsaw massacre.

Nabatid na nagpalabas ng warrant of arrest si RTC Branch 15 Judge George Jabido at walang inirekomendang piyansa sa mga akusado.

Nasa kamay na ngayon ni DILG-ARMM Sec. Haron Al Rashid Lucman ang mandamiento de arresto para isilbi kina Datu Piang Mayor Samer Uy at ilang kilalang personalidad na sina Sukarno Tapaya, Ben Carandang, Shahane Uy, Musib Tan, dating Maguindanao Gov Datu Andal Ampatuan Sr, Datu Unsay Ampatuan Jr, Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan, Akmad Ampatuan, Monib Ampatuan, Saudi Ampatuan Jr, Sajid Ampatuan, Bahnarin Ampatuan, Kanor Ampatuan, Abdul Ampatuan, Manat Malaguial, Basit Caguigayan, Rebecca Ampatuan at marami pang iba.

Ayon kay Lucman, nakita ng korte na may matibay na ebidensiya ang mga saksi na nagturo at nag-ugnay sa mga akusado sa tinatawag na chainsaw massacre sa Maguindanao dahilan para sila ay masampahan ng kaso.

Samantala, nilinaw naman na hindi inaresto si Datu Ipe Ampatuan kundi ito ay isinuko ng kanyang inang alkalde  sa militar nang masabugan ng bomba sa bayan ng Mamasapano Maguindanao.

Ito naman ang binigyang linaw ni First Mechanized Infantry Brigade Chief Col. Mayoralgo dela Cruz.

Matapos ang nangyaring pagsabog noong linggo ng hapon sa Libutan Mamasapano Maguindanao ay tumawag si Shariff Aguak Mayor Bai Sahara Upam Ampatuan kay Col. dela Cruz upang humingi ng tulong para dalhin sa pagamutan ang anak niyang si Datu Ipe nang masabugan ng bomba kasabay ng pagpapasuko sa awtoridad sa kanyang anak dahil kabilang ito sa wanted sa Maguindanao massacre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply