Mataas daw ang rating: Bakit lalayas ang direktor ng Legacy?

NAG-FILE raw ng emergency leave ang direktor ng Legacy na si Jay Altarejos. Si Direk Andoy Ranay daw ang papalit sa kanya. Itong huli ay may hinahawakang teleserye. Hindi kaya maapektuhan ang takbo ng istorya ng kanilang mga palabas sa pagbabago ng mga direktor nito? Bakit naman biglaan yata ang pag-alis ng direktor ng Legacy? Kataka-taka ito, huh!

Ano ba ang nangyayari sa GMA7? Una’y sabay-sabay na nag-alisan ang mga artista nila at lumipat sa ABS-CBN. Sumunod naman ang isang PR nila at iyong kaaway dati ni Annabelle Rama na si Wilma Galvante na kamakailan lang ay umeskapo.

Magreretiro na raw kasi.

Pag hindi ito naagapan ng Kapuso network baka maubos ang tao nila dyan. Baka ang matira ay si Marian Rivera na lang, ang reyna na walang nasasakupan. Hehehe!

***

Disaster ang pelikulang My Kontrabida Girl at The Witness

INAALAT talaga si Madam Angel. Ang My Kontrabida Girl nila ay flopsina. Isang linggo pa lang daw ipinalalabas sa mga sinehan ay may ilang sinehan na ang nag-pull-out nito dahil puro langaw lang pumasok at iilan lang ang nanood. Bale itong second week ng pelikulang ito sa ibang movie theater ay inupahan na lang umano para hindi naman sila kahiya-hiya. True ba ‘yan Madam?

Samantalang ang The Witness naman ay resounding flop din. Parang binagyo sa takilya. May sinehan nga raw na tatlo lang ang tao. Walang gaanong witness?

Susme!

Pinuna pa ang acting dito ni Gwen Zamora, hindi raw marunong umarte. Hitsurang baguhan lang daw ito na nag-audition sa proyektong ito. Turuan mo ngang umarte Aljur Abrenica.

***

Jake Cuenca may kasalanan kay Binoe

NGAYONG patuloy ang pagtaas ng mga produktong petrolyo, ani Robin Padilla walang ibang dapat gawin ang mga Pilipino kung hindi magsikap at gawing “TODA Max” ang paghahanap-buhay.

Kaya naman malaki ang paghanga ni Binoe sa kakayahan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa iba’t ibang panig ng mundo. Saludo rin ang aktor sa pagtitiis ng mga ito na mawalay sa pamilya, makapagbigay lamang ng magandang buhay para sa kanila.

Dagdag pa niya na malaking tulong ang pinapadala ng mga ito sa paglakas ng piso.

Samantala, problema na rin sa Beverly Gil’s ang patuloy na pagtaas ng gasolina kaya’t magra-rally ang mga tricycle driver ngunit hindi sasama si Tol.

Maghahasik naman ng lagim si Felix Bakat (Jake Cuenca), ang driver na malakas kumita kahit hindi bumibiyahe dahil siya pala’y atsay killer at sugalero. Pineperahan niya ang mga kababaihan matustusan lang ang bisyo. Paano kung maging sina Justin (Vhong Navarro) at Tol ay mapahamak sa mga anomalya ni Felix?

***

Paghihiwalay nina Krista at Jay-R may takers ba?

INAAMAG na raw ang career ni Jay-R kaya kailangan magpagpag para maging bago ulit, at isa sa naisip nilang paraan ay itong breakup kuno nila ng kanyang girlfriend na si Krista Kleiner para pag-usapan siya. Kailangan din ni Krista na mag-ingay dahil mahihirapan itong ibenta ang album niyang si Jay-R ang nag-produce.

Kaya nga duda ang iba kung totoo itong pinagsisigawan nilang hiwalay na sila. At kahit naman true pa itetch, may takers ba?

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply