Maternal deaths reresolbahin ng DoH CHD-MM

NANINDIGAN ang Department of Health Center for Health Development-Metro Manila (DOH CHD-MM) na walang inang dapat na mamatay habang nanganganak o nagbibigay ng buhay sa kanyang anak.

Kasabay nito, hinimok ni CHD-MM Regional Director Eduardo Janairo ang health care professionals sa Metro Manila na maging well-informed hinggil sa essential intrapartum care practices na makatutulong upang bumaba ang maternal deaths sa bansa.

Ayon kay Janairo, maaaring maiwasan ang maternal deaths sa pamamagitan nang pag-adopt ng mga inisyatiba at polisiya para sa ligtas at de kalidad na pag-aalaga sa mga ina sa pamamagitan ng Essential Intrapartum Newborn Care (EINC) guidelines.

Paliwanag ni Janairo, ang EINC ay ang pinakamataas na standard para sa ligtas at de kalidad na pangangalaga sa mga ina sa unang 48 oras ng intrapartum period.

Kabilang sa inirerekomendang EINC practices sa intrapartum period ay ang maternal support sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ‘companion of choice’ sa pagle-labor at panganganak, kalayaang makakilos habang nagle-labor, monitoring progress ng labor gamit ang partograph, na instrumentong ginagamit sa pagtukoy sa kumplikasyon sa childbirth, non-drug pain relief bago mag-alok ng labor anesthesia, position of choice sa labor at delivery, spontaneous pushing sa semi-upright position, non-routine episiotomy at active management sa third stage ng labor.

Sa kasalukuyan, ilang pagamutan na ang nagbibigay ng EINC practices sa birthing mothers sa Metro Manila  kabilang na ang Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), Fabella Hospital, Tondo General Hospital, Quirino Memorial Medical Center (QMMC), East Avenue Medical Center (EAMC) at Jose Rodriquez Medical Center.

Batay sa January to December 2011 partial report na isinumite ng regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), karamihan sa maternal deaths ay mula sa Quezon City (42), Manila (20), Pasig (15), Marikina (12) at Muntinlupa (10).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply